Aplikasyon sa UNESCO Youth Leadership Summit sa South Korea, muling binuksan! - Voice Of The Youth Network

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

6 Feb 2020

Aplikasyon sa UNESCO Youth Leadership Summit sa South Korea, muling binuksan!


Hinihikayat ng Asia-Pacific Centre of Education for International Understanding o APCEIU ang mga natatanging
leader-kabataan sa iba’t ibang panig ng bansa na mag-sumite ng kanilang aplikasyon para sa muling pagbubukas
ng ika-anim na UNESCO Youth Leadership Summit na gaganapin sa Seoul, South Korea mula Mayo 21
hanggang 31 ngayong taon.
Ang isang linggong pagsasanay ay naglalayong mahasa ang mga kakayahan ng mga kabataan upang higit na
matamo ang Sustainable Development Goals (SDGs) at mas mapalalalim pa ang kanilang kaalaman sa Global
Citizenship Education o GCE.
Inaasahan naman ng APCEIU na pagkatapos ng naturang pagsasanay, magiging handa ang mga kabataan upang
punan ang tawag ng paglilingkod  sa GCE.
Ang sinuman ay maaaring mag-apply kung sila ay pinanganak sa pagitan ng taong 1992 at 2001, nabibilang sa
bansang UNESCO member states, at may dalawang taong karanasan sa kilusang pang-kabataan. Para sa mga
nais mag-apply, i-search lang sa Google ang UNESCO Youth leadership Summit upang mapunta sa official
website nito.

Ang naturang workshop ay fully-funded ng nasabing organisasyon kung saan sila ang gagastos mula sa
sasakyang panghimpapawid, pagkain, at insurance at iba pang gagastusin na may kinalaman sa Youth
Leadership Summit.

(Kian Hermosa)

No comments:

Post a Comment

Post Bottom Ad