Community-Based Scouting Program, inilunsad sa Gensan - Voice Of The Youth Network

Breaking

Home Top Ad

Post Top Ad

14 Feb 2020

Community-Based Scouting Program, inilunsad sa Gensan



GENERAL SANTOS CITY (Feb. 14) – Opisyal nang inilunsad ang Community-Based Scouting Program kahapon, araw ng Huwebes (Pebrero 13) sa City Mayor's Office, Lungsod ng Heneral Santos.
Ipinahayag ni City Councilor at Sangguniang Kabataan Gensan Federation President na si John Salvador Demdam ang kanyang tuwa at pagsuporta sa ordinansang magpapatupad ng nasabing scouting program dahil ito ay gagabay sa mga kabataan upang matuto ng kagandahang asal, habang itanatanim sa kanilang puso ang nasyonalismo at pagmamahal sa bayan.


Ang programa ayon kay Demdam ay isang adbokasiyang alinsunod sa Article 2 Section 13 ng ating 1987 Philippine Constitution kung saan kinikilala ang malaking gampanin ng kabataan tungo sa pagtataguyod ng bansa.
Ang General Santos ang kauna-unahang lungsod sa Pilipinas na nagsabatas ng scouting program na nakabase sa mga barangay.

No comments:

Post a comment

Post Bottom Ad